top of page
IPH FAMILY.jpg
333-3335112_horizontal-line-clipart-tran
333-3335112_horizontal-line-clipart-tran

Bakit? Indigenous People Hospital ang pangalan ng ospital na ito?

​

Ang Hospital na ito ay nasa  pangangasiwa ng Indigenous Peoples’ Apostolate (IPA) na isang komisyon ng Diocese of Bayombong, na kung saan ang programang ito ay sumasakop sa aspeto ng kalusugan, habang ito ay pinapatakbo ng Sisters of Saint Paul of Chartres(SPC). Nagpatupad ng programang pangkalusugan ang IPA sa mga komunidad ng mga kapatid nating katutubo na nasasakupan ng Diocese ng Bayombong at sa mga panahong nakikisalimuha sa mga katutubo.

Napag- alaman na ang mga kapatid nating katutubo ay hindi prayoridad ang aspeto ng kalusugan tulad ng pagpapagamot sa hospital.

​

Naranasan din nila ang diskriminasyon.Kaya naisipan ng Diocese ng Bayombong na magpatayo ng hospital para sa mga kapatid nating katutubo na kung saan maipadadama na sila ay kabilang at pinapahalagahan sa ospital na ito.At hindi sila magdadalawang isip na lumapit o komunsulta para sa kanilang kalusugan.

​

Sa tulong ng iba't ibang institusyon,        organisasyon, mga indibidwal at pati na rin ang ating gobyerno, naipatayo at nakumpleto ang pasilidad ng ospital.Dito binase ang pangalan ng ospital na ito para sa mga kapatid nating katutubo na ang kasalukuyang pangalan ay Indigenous Peoples' Hospital (IPH).

Subalit,ang IPH ay Isang
pribadong ospital na hindi
suportado ng gobyerno ng

Pilipinas na kung saan ang IPH ay tinutustusan ang pang- sariling gastusin sa araw-araw. Ganun pa man, ang IPH ay PHILHEALTH ACCREDITED na hospital.

bottom of page